Umabot na sa 36 ang bilang ng mga namatay dahil sa pagguho ng lupa sanhi ng masungit na lagay ng panahon sa bahagi ng West Pokot county, Kenya.
Batay sa ulat, nagsimula ang pagbuhos ng ulan nitong Biyernes at lumala pa raw pagsapit ng gabi, na nagdulot ng malawakang mga pagbaha at mudlslides na tumangay sa apat na mga tulay.
Bunsod din nito, hindi na rin mapasok ng mga mamamayan ang bayan ng Muino na na-isolate na dahil sa baha.
“We can confirm that the number of those dead has sadly reached 36. Some people who we thought were lost have been found dead,” wika ni Samuel Poghisio, isang senador ng bansa.
“More people are marooned and the entire village is at risk of being wiped out by the floods,” wika naman ni county governor John Lonyangapuo.
Sinabi pa nito na patuloy ang rescue efforts sa area kung saan 500 sasakyan ang naipit sa daan na napinsala ng mga landslides.
Habang sa ibang lugar naman ay naantala ang rescue efforts dahil hindi na madaanan ang ilang mga kalsada at sa pagsasara na rin ng ilang mga tulay.
Kaugnay nito, sa isang pahayag, sinabi naman ni Kenyan President Uhuru Kenyatta na nagpadala na raw ito ng rescue personnel buhat sa iba’t ibang mga ahensya upang mapigilan ang pagkalagas pa ng mga buhay. (Al Jazeera/ Reuters)