-- Advertisements --

Dalawa na ang bilang ng mga nasawi dahil sa magnitude 7.4 na lindol na tumama sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Ayon kay Office of Civil Defense (OCD)-Caraga director Liza Mazo, bagama’t ina-assess pa mayroon silang management ng mga namatay at nawawalang cluster.

Ang nasawi ayon sa mga awtoridad sa lugar ay isa sa Bislig dahil sa gumuhong pader, at isa rin sa Barobo.

Siyam na indibidwal din ang nasugatan ngunit wala sa kritikal na sitwasyon.

Matatandaan na ang magnitude 7.4 na lindol ay tumama sa baybayin ng Hinatuan, Surigao del Sur, noong Sabado ng gabi.

Namatay umano ang isang ina sa Tagum City, Davao del Norte kasunod ng malakas na lindol matapos siyang mabagsakan ng pader ng gumuhong bahay.

Isinugod siya sa ospital ngunit idineklara itong dead on arrival.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang isinasagawang assessment ng mga opisyal at ahensya upang matugunan ang mga nangangailangan ng tulong.