-- Advertisements --

Walang patid ang paghahanap ng mga rescuer sa nakalipas na magdamag para sa mga survivor matapos tumama ang malakas na lindol na kumitil na sa 126 katao at puminsala sa mahigit 3,000 gusali sa remote region ng Tibet sa China.

Habang 188 katao ang naitalang sugatan.

Inilunsad na rin ang malawakang rescue operation sa gitna ng panibagong suliranin para sa mga posibleng survivor kasabay ng inaasahang pagbagsak pa ng temperatura sa rehiyon sa -16 degrees Celsius sa magdamag.

Una rito, tumama ang magnitude 7.1 na lindol sa Tibet malapit sa Everest na may lalim na 10 km o 6 na milya base sa datos mula sa US Geological Survey. Naramdaman din ang malakas na lindol sa Nepal at ilang parte ng India na malapit sa Tibet.

Ang tumamang lindol sa China nitong Martes ang isa sa itinuturing na deadliest earthquake na tumama sa bansa sa mga nakalipas na taon.