-- Advertisements --
Iniulat ni Hawaii Governor Josh Green na bumaba na lamang sa 97 ang bilang ng nasawi mula sa malawakang wildfire na tumupok sa isla ng Maui sa Hawaii noong nakalipas na buwan.
Habang nasa 31 katao naman ang nawawala o patuloy pa ring pinaghahanap.
Noong nakalipas na linggo, sinabi ni Gov. Green na nasa 115 ang official death toll habang 66 katao naman ang nasawi.
Paliwanag ng Hawaii Governor na bumaba ang bilang ng nasawi matapos ang mas advanced genetics na isinagawa ng Department of Defense anthropoligist.
Matatandaan na sumiklab ang malawakang wildfire noong Agosto 8 sa Lahaina sa Maui county na nag-iwan rin ng pinsala sa 2,200 gusali.