-- Advertisements --
Umakyat na sa 31 katao ang kumpirmadong napatay sa rocket strike sa regional administration building ng Mykolaiv sa timog na bahagi ng Ukraine.
Ayon sa local emergency services ng Ukraine, walang habas ang isinasagawang recue operations sa lugar.
Narekober na ng mga rescuers ang katawan ng ilan sa mga natabunan ng nasirang gusali.
Nauna ng naiulat na noong Marso 29 habang patuloy ang pag-atake ng Russian invaders sa Mykolaiv, tinamaan ang 9-storey administrative building ng regional administration.
Nagkaroon ng pagkasira sa gitnang bahagi ng gusali mula sa ikasiyam hanggang sa unang palapag subalit hindi naman ito nasunog.
Nauna nang naiulat na nasa 12 ang patay at 33 ang nasugatan.