-- Advertisements --
Ukraine
Ukraine Map

Bumagsak ang four-storey apartment sa bayan ng Drohobych sa Ukraine na nagresulta sa pagkamatay ng 8 katao kabilang ang isang bata.

Ayon sa Ukranian emergency services, nagkaroon umano ng gas explosion sa pinangyarihan ng insidente na sumira sa ground floor hanggang sa top floor ng gusali.

Naghanda naman ang mga awtoridad ng 14 double rooms sa Tustan Hotel upang magsilbing tirahan pansamantala ng mga nakatira sa nasabing gumuhong apartment.

Kasalukuyang tinatapos ang rescue operations at nagbukas ang Lviv region ng Criminal proceedings upang siyasatin pa ang insidente.