Umakyat pa sa 13 ang death toll na naiulat habang nasa siyam naman ang pinaghahanap pa matapos ang pananalasa ng severe tropical strom Maring.
Sa ulat ng National Disaster Risk Reductin and Management Council (NDRRMC) nasa kabauuang 21,511 katao o 6,111 pamilya ang naapektuhan mula sa mahigit 200 barangays sa Ilocos region, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa at Cordillera.
Nananatili pa sa mga evacuation centers ang mahigit 5,000 indibidwal o 1,513 pamilya habang nasa mahigit 1,000 pamilya naman ang pansamantalang nanunuluyan.
Nakapagtala ng kabuuang 53 insidente ng pagbaha kung saan humupa naman na ang baha sa mga lugar sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, Mimaropa, Western Visayas, Caraga at Cordillera.
Mayroon ding napaulat na 14 na insidente ng landslide.
Aabot naman sa mahigit 1000 pasahero , 537 rolling cargoes at dalwang vessels ang stranded sa bahagi ng Calabarzon, eastern Visayas at Caraga.
May 54 na kabahayan din ang bahagyang napinsala ng bagyo habang nasa 55 naman ang totally damage sa Central Luzon, Mimaropa, Caraga at Cordillera.
Sa agrikultura naman, papalo na sa kabuuang mahigit P493 million ang halaga ng napinsala na naitala sa pinakahinagupit ng bagyo sa Ilocos, Cagayan at Cordillera.