-- Advertisements --

Umakyat na sa 83 ang death toll mula sa pananalasa ng Hurricane Ian.

Ito ay sa gitna ng unti-unting pagbangon ng mga residente sa Florida at Carolinas na inaasahang papalo sa bilyong dolyar para sa recovery efforts habang humaharap naman sa pagbabatikos ang ilang mga opisyal dahil sa kanilang pagtugon sa nagdaang bagyo.

Inaasahan na madadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi kasabay ng paghupa ng baha at pagsuyod ng rescue teams sa mga sinalantang lugar.

Karamihan sa mga nasawi ay mula sa Florida subalit may apat dito kasama ang 42 naitala sa coastal Lee County na hinagupit ng pananalasa ng bagyo nang maglandfall ito at 39 iba pa mula sa apat na karatig na counties.

Iniulat naman ng North Carolina authorities na nasa apat na katao ang namatay doon.

Wala namang napaulat na nasawi sa South Carolina kung saan nag-landfall ang bagyo noong Biyernes.

Humaharap naman ngayon ng pagbabatikos ang mga opisyal sa Lee County kabilang sa Fort Myers, Cape Coral at Gulf Coast kung isinagawa ba ang mandatoryong evacuations sa nasabing mga lugar.

Samantala, nakatakda namang bisitahin nina President Joe Biden at first lady Jill Biden ang mga napinsalang lugar sa Florida sa Miyerkules at ngayong araw ng Lunes sa Puerto Rico kung saan daan libong residente ang nawalan ng suplay ng kuryente dalawang linggo matapos tumama ang Hurricane Fiona sa isla.