-- Advertisements --

Nadagdagan pa ng 1 ang naitalang nasawi sa pananalasa ng 4 na nagdaang bagyo at habagat sa bansa.

Sa latest data ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Biyernes, ang naiulat na karagdagang nasawi ay sa Western Visayas.

Bunsod nito, pumalo na sa 24 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa nagdaang mga kalamidad na nanalasa simula noong nakalipas na linggo. Lahat naman ng mga ito ay kasalukuyan pang biniberipika pa ng ahensiya.

Nananatiling pinaghahanap naman ang 14 na kataong napaulat na nawawala habang 13 ang nagtamo ng injury.

Samantala, sa damage assessment ng ahensiya, pumalo na sa P2.4 million ang halaga ng pinsala sa sektor ng imprastruktura kung saan tumaas pa sa mahigit 2,000 na kabahayan ang napinsala.