-- Advertisements --

Nakapagtala ngayon ang Department of Health (DOH) ng 356 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mula noong nakalipas na taon nasa 2,836,360 na ang mga tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas.

Habang mayroon namang naitalang 878 na gumaling at 135 na pumanaw.

Sa mga nadagdag na bilang mga namatay, karamihan nito ay noong nakalipas na mga buwan pa dahil sa nabalam na impormasyon mula sa COVIDKaya.

Samantala, kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, bumaba pa sa 11,373 ang mga aktibong kaso.

Sa ngayon nasa 2,774,891 na ang gumaling na mga pasyente.

Ang death toll sa bansa dahil sa deadly virus ay umaabot na sa 50,096.

Meron namang apat na mga laboratoryo ang bigong makapagsumite ng datos sa DOH.

“Ayon sa pinakahuling ulat, 4 mga laboratoryo ang hindi operational noong December 9, 2021 habang mayroong 4 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 8 labs na ito ay humigit kumulang 0.2% sa lahat ng samples na naitest at 0% sa lahat ng positibong mga indibidwal,” bahagi pa rin ng DOH advisory. “Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask na may face shield, mag physical distancing, at maghugas ng kamay. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”