Tumaas sa 21 ang bilang ng mga nasawi dahil sa baha at landslide sa Davao Region.
Sinabi ng Davao de Oro PDRRMO na 13 katao ang patay habang siyam na tao ang nasugatan sa lalawigan.
Ayon sa pamahalaan, dalawang tao rin ang nawawala sa Davao de Oro.
Kabilang sa mga apektadong rehiyon ay ang Northern Mindanao, Davao, Soccsksargen, Caraga, at Bangsamoro.
Sa apektadong populasyon, 97,603 katao o 25,477 pamilya ang nananatili sa 380 evacuation centers habang 697,454 katao o 175,370 pamilya ang nakikituloy sa ibang lugar.
Samantala, nasa P54,967,000 naman ang pinsala sa imprastraktura habang ,ay kabuuang 785 na bahay din ang nasira na kung saan 431 partially at 354 totally damaged.
Una na rito, ayon sa NDRRMC, naibigay na ang tulong na nagkakahalaga ng P44,560,502 sa mga biktima sa naturang lugar.