Umakyat pa sa 87 katao ang namatay matapos ang nangyaring suicide bombing sa probinsiya ng Peshawar sa Pakistan.
Nananatiling palaisipan pa rin ngayon kung paano nakapasok ang mga suicide bomber sa lugar gayong mahigpit ang seguridad sa mosque na nasa police headquarters area at ikinasa na ang imbestigasyon para ito’y matukoy.
Ayon kay Peshawar police chief Muhammad Ijaz Khan, nasa pagitan ng 300 at 400 police officers ng nasa lugar ng manngyari ang insidente.
Kinondena naman ni PM Shehbaz Sharif at iba pang leader ang pag-atake na nangyari nito lamang araw ng Lunes na itinuturing na isa sa pinakamarahas na nangyari sa bansa sa nakalipas na taon.
Itinanggi naman ng Pakistani Taliban na may kinalaman sila sa pambobomba matapos ang inisyal na claim ng isa sa commanders nito.
Nagdeklara na ng national day of mourning ang Pakistan kasunod ng nasabing trahedya.