-- Advertisements --

Umakyat pa sa 111 ang bilang ng mga nasawi habang mahigit 230 katao naman ang nasugatan sa tumamang magnitude 6.2 na lindol sa mountainous county ng China.

Sentro ng pagyanig ang Jishishan county sa northwestern province ng Gansu sa China dakong 11:59 ng gabi na mayroong lalim na 10 km ayon sa China Earthquake networks Center.

Naramdaman din ang malakas na pagyanig sa maraming parte ng Qinghai province.

Nagpapatuloy naman ang rescue at relief efforts at idineploy na ang working group para i-assess ang epekto ng lindol kung saan hindi pa matukoy sa ngayon ang bilang ng mga nawawalang indibidwal matapos ang pagyanig.

Ang probinsiya gaya ng Gansu na nasa eastern boundary ng Qinghai-Tibetan plateau ay isang tectonically active area.