Tumaas sa higit sa 44,000 ang mga nasawi mula sa nangyaring lindol sa Turkey at Syria kung saan natagpuan din ang bangkay ng dating Ghana international footballer na si Christian Atsu sa ilalim ng gumuhong gusali sa Antakya.
Sinabi ng mga opisyal at medics na 40,642 katao ang namatay sa Turkey at 3,688 sa Syria dahil sa lindol, na nagdala ng kumpirmadong kabuuan sa 44,330.
Samantala, ang death toll mula sa Syria ay nanatiling hindi nagbago sa loob ng ilang araw.
Ang lindol ay isa sa mga pinaka-aktibong seismic zone sa mundo, at ang sakuna na ito ay nagdulot ng pressure kay Turkish President Recep Tayyip Erdogan dahil sa mabagal na pagtugon sa lindol at sa sa mga di matitibay na gusali.
Matatandaan na nangako ang mga opisyal ng Turkey pagkatapos ng lindol noong 1999 na kumitil naman sa mahigit 17,000 katao sa hilagang-kanluran ng bansa na palalakasin pa ang mga regulasyon sa pagtatayo ng mga gusali.