DAVAO CITY – Umakyat na sa apat ang naitalang patay habang nasa 15 ang sugatan sa nangyaring aksidente sa Brgy. Binugao, Toril district, lungsod ng Davao nitong Lunes ng hapon.
Kung maaalala, sangkot sa nasabing aksidente ang isang unit ng Mindanao Star bus at wing van na puno naman ng mga kargamento.
Ilan sa mga pasahero ang nakalabas na ng ospital matapos na magtamo lamang sila ng minor injury sa kanilang katawan.
Maliban naman sa pasaherong si Judy Mejares na dead on the spot, binawian na rin ng buhay ang dalawang iba pa na isinugod sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Inoobserbahan din sa ngayon ang apat na mga indibidwal na nasa kritikal na kondisyon.
Nagpapatuloy sa kasalukuyan ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad sa insidente at inihahanda na ang patung-patong na kaso laban sa driver ng bus.
Sa panayam naman ng Bombo Radyo kay alyas Kim, kinumpirma nito na kabilang sa namatay ang kanyang ina na si Julita Tolin, 53-anyos, empleyado ng Department of Social Welfare and Development-Monkayo, Compostela Valley.
Habang kinumpirma rin ng ospital na pumnaw na rin ang step father ni alyas Kim na si Rodrigo Tolin matapos mabasag ang bungo nito.
Nanggaling umano sa Midsayap, Cotabato ang kanyang mga magulang nang mangyari ang aksidente.