Nagdala ng malalakas na hangin at pag-ulan ang bagyong Mitag na nasa katimugang bahagi ng South Korea.
Ayon sa datos na mula sa Ministry of the Interior and safety ng nasabing bansa, nasa 6 na ang bilang ng mga patay habang 4 naman ang naiulat na sugatan.
Dagdag pa nito, ang ilan sa mga anim na namatay ay natagpuan sa ilalim ng gumuhong mga imprastraktura, ang iba naman ay nalunod.
Mahigit sa 100 mga kabahayan at mga pribadong istraktura ang binaha at hindi bababa sa 1,500 ang lumikas sa kanilang mga tahanan.
Sa tala na inilabas ng Korea Electric Power Corporation, aabot naman sa 44,045 na mga gusali at bahay ang nawalan ng kuryente magmula noong miyerkules, ngunit 83 porsyento naman sa mga ito ang nagkaroon muli ng kuryente.
Noong Martes ay tinahak nito ang Taiwan at aasahang mananalasa ito sa Japan sa mga susunod na araw.