Inamin ng Commission on Elections (Comelec) na magkakaroon din ng delay sa pagsasagawa nila ng debate para sa presidential at vice presidential candidates.
Ayon kay Comelec – Education and Information Department (EID) Director Elaiza David, maaaring isagawa na lamang ang naturang debate sa unang linggo ng buwan ng Marso sa halip na ngayong Pebrero.
Sa ngayon aniya ay inaantay kasi nila ang approval ng Comelec en banc sa magiging guidelines sa debate na maaring mangyari ngayong linggo.
Sinasabing pagsapit din ng Abril ay magkakaroon muli ng presidential debates na iisponsor pa rin ng komisyon.
Muli namang nilinaw ng opisyal na wala silang deklarasyon na paglabag ng mga kandidato sa premature campaigning.
Anuman aniyang ang ginastos ng mga politiko tulad ng political advertisement bago ang campaign period na magsisimula ngayong araw ay hindi kasama sa bibilangan ng Comelec.