-- Advertisements --

VIGAN CITY – Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba’t ibang television network na nagsasagawa ngayon ng mga debate para sa mga tumatakbong kandidato sa darating na halalan.

Sa isang talumpati sa Bangued, Abra, tinawag ng pangulo Pangulong Duterte na isang “money making exercise” ang naturang aktibidad kung saan naghaharap ang mga kandidato at sumasagot sa iba’t-ibang issue ng bansa.

Ayon sa chief executive, hindi sapat ang limitadong oras na binibigay ng mga istasyon para maipaliwanag ng mga kandidato ang kanilang saloobin sa bawat sitwasyon at tanong.

Ibinunyag din nito ang kanyang karanasan umano noong 2016 elections kung saan nabibigyan ng pagkakataon ang mayaymang kandidato na makisalamuha ang mga audience, kumpara sa mahihinang candidates na nasa loob lang ng