-- Advertisements --

LAOAG CITY – Hindi mawari ang paglalagyan ng galak ni Atty. Jether Corpu matapos makamit ang top 12 sa katatapos na 2022 Bar Examination.

Ayon kay Atty. Corpuz, sagot sa lahat ng kaiyang paghihirap sa pag-aaral hanggang sa pagreview at pagsabak ng Bar Examinatio ang pagiging isang ganap niyang abogado.

Kaugnay nito, inbinahagi ni Corpuz na ang naging sikreto ng kanyang pagtatagumpay ay ang paglalaan ng oras sa debosyon at pagdarasal tuwing umaga.

Aniya, maliban dito ay pagbabasa ang kanyang ginagawa hangga’t kaya ng kanyang katawan at gusto ng kanyang isipan.

Sinabi ni Corpuz na malaki ang apeketo ng pagkakaroon ng disiplina sa sarili kasabay ng dedikasyon sa lahat ng ginagawa.

Unang nagtapos si Corpuz bilang cum laude sa kursong Bachelor of Science in Information Technology sa AMA Computer College ditoy sa lungsod ng Laoag bago pumasok sa college of law ng Mariano Marcos State University kung saan natapos ang kanyang Juris Doctor noong Hunyo ng nakaraang taon.

Samantala, ang Mariano Marcos State University ay No. 5 sa Top Performing Law School sa buong Pilipinas kung saan nakakuha ito ng 75% rating o siyam mula sa 12 na bar takers ang nakapasa.