-- Advertisements --

Naniniwala ang Philippine Space Agency (PhilSA) na ang debris mula sa Chinese rocket ay bumagsak pagitan ng Palawan at Basilan.

Ang Long March 8A rocket ay inilunsad ng China sa sa Wenchang Spacecraft Launch Site sa Wenchang, Hainan dakong alas-5:30 ng hapon.

Dagdag pa ng PhilSA na hindi pa nila tiyak kung babagsak sa karagatan o kalupaan ang debris subalit ito ay mapanganib sa mga barko, eroplano o mga sasakyang pandagat na dadaanan nito.

Binalaan din nila ang publiko na sakaling makakita ng debris mula sa rockets ay huwag itong galawin dahil maaring may taglay ito ng toxic substance gaya ng rocket fuel.