-- Advertisements --
Ikinonsidera ng World Bank ang kanselasyon at muling pagbuo ng pamamaraan sa pangungutang ng mga bansa.
Nababahala si World Bank President David Malpass na may mangyaring debt crisis epekto ng COVID-19 pandemic kung kaya’t ikonsidera nila na bawasan ang debt level.
Inihayag ni Malpass na dahil sa nangyaring pandemya, maaaring aabot sa 100 milyong mga tao ang makaranas ng matinding kahirapan kung kaya’t nanawagan ito sa mga pribadong bangko na ipatupad ang debt restructuring o debt cancellation.
Nagbanta din ito na hindi malayong may mangyaring debt crisis sa mga maunlad na bansa lalo pa’t nakaranas na sila ng mahinang paglago ng ekonomiya at problema sa pananalapi.