-- Advertisements --

Nakikitaan na mag-uumpisang bumaba na ang debt to GDP ratio ng Pilipinas ngayong taon.

Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, na sa pagsiglang muli ng revenue collections, ang deficit at borrowings ng pamahalaan ay magsisimulang bumaba ngayong taon.

Sa kabila ng mataas na borrowings, napanatili naman anita ang invest,ent grade credits ratings ng bansa. Patunay aniya ito ng excellent record ng prudent spneding at fiscal discipline ng ating bansa.

Ang magnadang investment-grade rating ay nangangahulugan mas madali na magkaroon ng access ang ating bansa ng loan na may mababang interest rates.

Ibinahagi ni Dominguez na bago naman aniya nagkaroon ng pandemiyam napababa ang debt-to GDP ration sa ilalim ng panunungkulan ni Pangulong Duterte ng 39.6% noong taong 2019.

Umakyat lamang ito ng 54.6% noong 2020 at tumaas ito ng 60,5 % dahil na rin sa pagkakautang ng pamahalaan para matugunan ang covid19 pandemic subalit nananatili pa ring manageable.

Samantala, ang utang naman ng gobyerno ng Pilipinas ay umabot sa P12.09 trillion nitong Pebrero taong kasalukuyan.

Kumpiyansa naman ang pamahalaan na maaabot ang growth target para ngayong taon na nasa 7% hanggang 9% habng nagpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso.