-- Advertisements --

Mag-aantay pa ng ilang araw ang mga basketball fans bago masilayan sa bagong uniporme ang kontrobersiyal na si James Harden na pinakawalan ng Brooklyn Nets sa tinaguaring blockbuster deal patungong Philadelphia Sixers.

Una nang napaulat na katumbas sa paglipat ni Harden sa halagang $47.4 million at posibleng extension period sa Agosto na aabot ng $223 million, ay tatlong mga players.

Nitong araw ay hindi pa naglaro ang NBA superstar sa laban ng Sixers kontra sa Oklahoma City Thunder.

Gayundin sa game bukas ng Philadelphia kontra naman sa Cleveland Cavaliers.

Sinasabing ngayong weekend pa lamang babiyahe si Harden patungong Philadelphia at pagkatapos ay sasailalim muna sa pagsusuri ng medical personnel.

Nitong nakalipas din na buong linggo hindi nakalaro si Harden sa Brooklyn bunsod ng tinatawag na hamstring tightness.

Kung lumabas na maayos ang medical examination kay Harden posibleng mag-debut ito sa kanyang laro sa Miyerkules laban sa Boston Celtics.

Samantala, dahil sa paglipat ni Harden, sinasabing lalong naging deadly umano ang Philadelphia dahil may katuwang na sa kanilang opensa ang MVP frontrunner at big man na si Joel Embiid.