-- Advertisements --
Aminado ang World Association of Kickboxing Organizations (WAKO) na hindi lang ang panalo ng mga atleta sa medalya ang makasaysayan sa 30th SEA Games, kung mismong debut nito sa biennial sporting event.
Ayon kay WAKO Vice President Nasser Nassiri, matinding pagsisikap ang ginawa ng Samahang Kickboxing ng Pilipinas (SKP) para lamang maisama sa SEA Games ang nasabing laro.
Magiging daan din kasi ito para magkaroon ng kickboxing sa iba pang malalaking sporting event.
Mula sa apat na inaasahang kasaling bansa, pito ang nakibahagi sa laro.
Kahapon ay isang Pinoy ang nanalo, habang dalawa naman ang natalo.
Ngayong araw, nakahanay uli ang iba pang kickboxers ng bansa sa pagpapatuloy ng mga laban sa Cuneta astrodome.