-- Advertisements --

Plantsado na ang debut ng 7-footer na si Kai Sotto sa seniors team ng Gilas Pilipinas matapos ianunsyo ngayon ng FIBA ang full schedule ng 2021 FIBA Asia Cup qualifiers na gaganapin sa Al-Gharafa Sports Club Multipurpose Hall sa Doha, Qatar.

Unang makakalaban ng Pilipinas sa third window ng torneyo ang mahigpit na karibal na Korea sa February 18 alas-10:00 ng gabi.

KAI 2
FB photo Gilas Pilipinas

Kabilang sa makakasama sa line up ni Sotto ang mga PBA veterans na sina Kefeir Ravena at CJ Perez gayundin ang mga Gilas cadets na sina Dwight Ramos, Juan Gomez de Liano, at Justine Baltazar.

Ang ikalawang game ng Philippines ay kontra naman sa Indonesia sa Feb. 20.

Sa Feb. 22 naman ang ikalawang banggaan ng Gilas at Korea.

Kailangan lamang ng isang panalo ng Pilipinas sa tatlong games para mag-qualify sa 2021 Fiba Asia Cup na gaganapin naman sa Indonesia sa buwan ng Agosto.

Nito lamang nakalipas na araw ay dumating sa bansa si Kai Sotto at hindi.na ipinagpatuloy ang paglalaro sa NBA G-League sa Amerika para lamang makasama sa Gilas Pilipinas.