-- Advertisements --
Hindi na naman pinalad si United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa kaniyang pagpapatawag ng early election sana sa December 12 para mapagdesisyunan na ang kapalaran ng kaniyang Brexit deal.
Suportado ng 199 Members of the Parliament ang pinakabagong bid ni Johnson, 70 naman ang hindi sang-ayon samantalang ang natitira ay mas pinili na mag-abstain, hindi nakuha ng prime minister ang two-thirds ng boto mula sa 650 MPs na nakasaad sa batas upang maipasa ang naturang mosyon.
Sa kabila nito nangako pa rin si Johnson na tatapusin niya ang umano’y paralysis ukol sa pagkalas ng UK sa European Union.
Ayon din sa prime minister, kailangan pa ring magkaroon ng eleksyon kahit na ilang beses pa itong tutulan at harangin ng MPs.