-- Advertisements --

Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang araw ng Lunes, Desyembre 2 bilang special non-working day upang gunitain ang selebrasyon ng Kutsitsa Festival sa Bonifacio, Misamis Occidental.

Ayon sa Proclamation No. 754 na may lagda ni Executive Secretary of the Philippines Lucas Bersamin binibigyan ng oportunidad ang mga residente sa bayan ng Bonifacio na magdiwang sa naturang Pista.

Ang Kutsitsa ay taunang pagdiriwang na ginagawa upang ipagdiwang ang mga charter anniversary ng bayan.

Kung saan makikita ang mga aktibidad kagaya ng kutsinta making contest, street dancing, food festival at mga beauty contest.

Ang naturang festival din umano ay nagbibigay ng turismo sa bayan ng Bonifacio at nagbibigay din ng oportunidad sa mga lokal na mangangalakal.

Nagpapakita rin ang naturang Pista ng pagkakaisa sa mga residente ng Bonifacio.