LEGAZPI CITY- Hindi pa pinapayagan ang decampment ng mga evacuees sa Mayon unit areas sa bayan ng Guinobatan, Albay kahit pa wala na ang epekto ng bagyong Ulysses.
Kabilang sa mga nananatili pa rin sa evacuation centers ang mga residente mula sa Barangay Maninila, Masarawag, at Travesia na una nang naapektuhan ng pananalasa ng super typhoon Rolly.
Ayon kay Guinobatan MDRRMO head Joy Maravillas sa panayam ng Bombo Radyo Legazpi, hindi rin passable ang Masarawag road dahil sa mga nakahambalang debris matapos umapaw ang tubig dahil sa malakas na pag-ulan.
Kwento pa ng opisyal na sa naamoy nila ang asupre sa mga baha na indikasyon ng pagkakaroon ng lahar flow subalit minimal lamang ito hindi tulad noong bagyong Rolly.
Samantala, ipinagpapasalamat naman ng opisyal na walang naitalang casualty sa bayan sa kabila ng mataas na rainfall level.