Nakatakdang palubugin ngayong taon ang decommissioned World War II corvette na BRP Miguel Malvar bilang bahagi ng patuloy na Balikatan Exercises 2025.
Ang naturang barko ng Pilipinas ay binuo noong 1944 bilang USS Brattleboro.
Ito ay dating PCE(R)-848-class rescue patrol craft ng Navy ng Estados Unidos.
Ang BRP Miguel Malvar ay inilipat sa Republic of Vietnam Navy noong 1966 at nagsilbi bilang RVNS Ngoc Hoi .
Matapos ang WW2 ay napasakamay ito ng Philippine Navy at kinomisyon bilang BRP Miguel Malvar.
Nagsilbi itong lead ship ng Malvar-class corvettes hanggang sa tuluyan itong na decommissioned noong taong 2021.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Captain John Percie Alcos na nagsilbing huling commanding officer ng BRP Miguel Malvar na marami itong alaala sa naturang barko.
Ito ay nakapag produced ng hindi bababa sa 20 Flag Officers, kabilang na ang ibat-ibang flag officers na nasa Philippine Coast Guard.