Pormal nang nag-assumed bilang bagong commander ng 4th Marine “Makusug” Brigade ang well decorated and war-tested Marine officer na si Col. Hernani Songano na naka base sa Luuk, Sulu.
Mismong si Philippine Marine Commandant MGen. Nathaniel Casem ang nanguna sa isinagawang Change of Command Ceremony nuong December 9,2020 sa Headquarters ng 4th Marine Brigade sa Luuk,Sulu.
Pinalitan ni Songano sa pwesto ang isa ring combat officer na si Col. Ruben Candelario.
Si Songano ay isang seasoned combat officer na dalawang beses pinaralangan ng 2nd highest military award sa AFP ang Distinguished Conduct Stars dahil sa ipinakita nitong exemplary performance sa kaniyang trabaho.
Itinalaga si Songano sa pwesto para pangalagaan ang peace and order and development sa probinsiya ng Sulu.
Unang pinarangalan si Songano ng Distinguished Conduct Star medal nuong siya ay Capitan pa nuong taong 2000 ng sila ay tambangan ng nasa 800 MILF rebels sa Matanog, Maguindano, kahit outnumbered nagawa nilang makipaglaban sa mga rebelde hanggat sa umatras ang mga ito.
Sa nasabing pananambang, sugatan ang kaniyang Battalion commander maging ang armored platoon commander, dahilan para siya ang manguna sa closed combat and assault operations laban sa rebeldeng MILF nuon.
Pinarangalan muli si Songano ng Distinguished Conduct Star medal nuong October 2009 ng tambangan ang kanilang convoy ng grupo ni Rouge MNLF leader Ustadz Khabir Malik, na nuon ay nagsasagawa sila ng security and clearing operation sa may area ng Datag-Bitanag sa Sulu.
Kahit outnumbered ang kanilang grupo, nagawa nilang makipaglaban sa grupo ni Malik.
Bukod sa dalawang Distinguished Conduct Stars award for gallantry in combat, si Songano ay recipient din ng ibat-ibang military awards gaya ng mga sumusunod: Five (5) Distinguished Service Stars (DSS), Distinguished Service Medal, three (3) Military Achievement Medal, Three (3) Gold Cross Medals, eight (8) Bronze Cross Medal, Chief of Staff AFP Commendation Medal, Gawad sa Kaunlaran Medal, twenty six (26) Military Merit Medals, Thirteen (13) Military Commendation Medals (MCM), Silver Wing Medal, at iba pa .
Pinarangalan din si Songano bilang The Outstanding Philippine Soldier (TOPS) 2005 Award, pinili din siya ng Metrobank Foundation, Inc. bilang isa sa mga recipients of the Award for Continuing Excellence and Service (ACES) 2019.
Nuong June 1989, na-commissioned bilang Ensign sa Philippine Navy sa pamamagitan ng NROTC program sinimulan ang kaniyang call of duty nuong 1990 at boluntaryong maging miyembro ng Philippine Marine Corps.
Sa kabila ng kaniyang vibrant and rewarding career, hindi pa rin nakakalimutan ni Col. Songano ang kaniyang humble beginnings.
Siya ay isang purong Cotabateño, pero sa ngayon siya ay bona fide resident na ng Zamboanga City, happily married kay Carmela Tan Garcia-Songano, nabiyayaan ng dalawang anak sina Sean Jethro, 21-anyos at Kaye Veronica,17-anyos.
Siniguro naman ni Songano sa mga Suluanos na lalo pa nilang palakasin ang kanilang kampanya laban sa terorismo at isulong ang peace and development sa probinsiya.
Patuloy din nilang hihimukin ang mga bandidong Abu Sayyaf na magbalik-loob na sa gobyerno para makapag simula na ng panibagong buhay.