-- Advertisements --
image 158

Nakatakdang irekomenda ng Department of Health (DOH) sa pandemic task force ng gobyerno ang ‘decoupling’ o paghiwalay ng mga restriksyon mula sa Covid-19 Alert level system.

Ayon kay DOH office in charge Maria Rosario Vergeire na talakayin ang naturang isyu sa susunod na pagpupulong ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Paliwanag ni Verheire na ang gagamitin na lamang ng bansa ang sistema na kagaya ng ginagamit ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) storm signal para malaman ng bawat pamilya at komunidad ang gagawin at hindi na kailangan aniya na nakatali pa sa restrictions.

Sa gitna naman ng naturang development, iginiit ng DOH official na nananatili pa rin ang virus at hangga’t patuloy na nagci-circulate ito sa bansa ang banta ng superspreader events ay nananatili pa rin.

Kayat mahalaga na bawat indibdiwal ay matuto kung paano i-assess ang kanilang risk mula sa virus kung saan dapat na magsuot pa rin ng face mask kapag nasa high-risk setting.