-- Advertisements --

Balak ngayon ng Department of Education na bawasan ang kasalukuyang mga asignatura ng mga senior highschool students para makapaglaan ng oras at focus sa kanilang work immersion.

Sa dinaos na 2024 Regional Conference on Education Planning noong Lunes, sinabi ni DepEd Secretary Sonny Angara na target ng kanilang ahensya na bawasan ang mga asignatura sa SHS at ibaba ito sa lima o anim na subjects na lamang.

Ito aniya ay nagbibigay ng mas flexible na oras sa mga estudyante para mabigyan ng prayoridad ang work immersion at on-the-job-training na siyang mismong kailangan sa industriya.

Sa ngayon ay kasalukuyang sumasailalim sa ilang mga pagsususri pa ang planong ito ng ahensya kasama ang ilang mga academic experts.