-- Advertisements --

Binigyang-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Anti-Terrorism Council (ATC) sa kanilang makabuluhang kontribusyon sa pagsugpo sa terorismo at pagsusulong ng kapayapaan sa bansa.

Sa 33rd Anti-Terrorism Council (ATC) Regular Meeting at Year-End Celebration sa Malakanyang, ipinunto ni PBBM na ang misyon ng ATC ay hindi lamang nakatuon sa pag-neutralize ng mga banta kundi pati na rin sa pag-iwas sa mga ito sa pamamagitan ng mga programang naglalayong sugpuin ang radicalization at palakasin ang kumpiyansa ng komunidad.

Maliban dito, binigyang-diin ng Presidente ang kahalagahan ng pakikipagtulungan sa iba’t ibang bansa sa paglaban sa terorismo, kabilang ang pakikipag-ugnayan sa United Nations at iba pang regional organizations.

Ayon kay Pangulong Marcos, sa pamamagitan ng pagpapatibay ng mga ugnayang ito, naitataas ng bansa ang kakayahang tugunan ang mga transnational threats habang nananatili bilang modelo ng responsibilidad at pagkakaisa.