-- Advertisements --

Hinimok ni Education Secretary Leonor Briones ang ilan pang mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 o mas mababa pa na patuloy na paghandaan ang pagpapatupad ng limited in-person classes sa kanilang mga lugar.

Ito ay matapos na atasan ni Briones ang lahat ng mga regional directors ng Department of Education (DepEd) na ipatupad ang resumption at expansion ng limited face-to-face classes sa parehong public at private schools sa mga Alert Level 2 areas.

Ginawa ito ni Briones matapos na aprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang buwan ang pinalawak na implementasyon ng physical classes sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic.

Base sa meeting ng kalihim sa mga regional directors ng DepEd nitong Pebrero 2, ang 28 pilot schools sa Metro Manila ay magsisimula na ng kanilang klase sa Pebrero 9 habang ang mga paaralan namang sakop nang expansion ay sa mga susunod namang araw.

Matatandaan na kamakailan lang ay nagdesisyon ang national government na ilagay ang Metro Manila sa ilalim ng Alert Level 2 status mula Pebrero 1 hanggang 15.

Samantala, pinapaalalahanan ni Briones ang mga participating schools na kumuha muna ng clearance sa kanilang local government unit kaugnay nang pagdaraos ng face-to-face classes.

Tanging ang mga bakunadong mga estudyante at mga guro lamang din ang papayagang makibahagi rito.

Narito ang simula at expansion phases ng DepEd:

NCR – The original 28 pilot schools will resume on February 9, while the expansion schools will progressively start their classes from February 9 onwards.

Region II (Cagayan Valley) – The 12 recommended schools in SDO Batanes (now under Alert Level 2) are ready to implement the expanded face-to-face classes. The SDO is also securing the concurrence of the Local Chief Executives where the 12 schools are strategically located. Should the LGUs approve the conduct, face-to-face classes in Batanes will start next week (February 7-11).

Region III (Central Luzon) – There are 106 schools in four SDOs of Bulacan that are ready to start face-to-face classes on February 21, 2022.

Region IV-A (CALABARZON) – A total of 57 schools from eight SDOs in the provinces of Rizal (21 schools) and Cavite (36 schools) (under Alert Level 2) are slated to participate in the expanded phase of the limited face-to-face classes. These schools have complied with the requirements of the SSAT and are now in the process of securing concurrence from the LGUs. Expanded face-to-face classes will start on February 14, in time for the start of the third quarter.

Region VIII (Eastern Visayas) – In Southern Leyte and Biliran City SDOs that are in Alert Level 2, three schools of SDO Southern Leyte will start classes on February 7 while Maasin City (seven schools) and Biliran City (6 schools) will kick off on February 14.