Gagamit ng mas makabago at modernong space clock ang NASA sa susunod na misyon sa moon at planetang Mars sa taong 2024.
Inanunsiyo ng NASA ang paggamit nila ng Deep Space Atomic Clock (DSAC) na teknolohiya na siya umanong magpapabago sa navigation and radio science.
Ipinaliwanag ng NASA na ang DSAC revolutionary space clock design ay mas maliit, nangangailangan lamang ng kaunting power suplay at mas stable kaysa sa ginagamit ngayong space-qualified atomic clocks.
Sa paggamit ng spacecraft ng DSAC kung saan gabay ang signal mula sa Earth at sa onboard navigation ay madaling madetermina ang real-time position na walang anumang clock errors.
Sinabi pa ng NASA na ang DSAC ay ang pinaka-stable kumpara sa atomic clock na dinadala sa kalawakan gamit ang tinatawag na “ultra-regular oscillations of mercury ions.”
“Timely location data and onboard control allow for efficient operations, more precise maneuvering and adjustments to unexpected situations. This paradigm shift will allow astronauts to focus on mission objectives when moving forward to the Moon and beyond,” bahagi pa ng statement ng NASA.
Ang DSAC Clock ay isasailalim muna sa buong taon na demonstration sa space matapos ang launching nito ngayong buwan ng Hunyo.