-- Advertisements --

Naging makabuluhan ang ginanap na ikalimang pagpupulong ng Philippine-Japan vice-ministerial meeting na isinagawa sa Tokyo,Japan.

Nagpulong sina Uudersecretary for Defense Policy Ricardo David Jr., at Japanese
Vice-Minister for International Affairs Ro Manabe.

Sa nasabing pagpupulong tiniyak ni Manabe na suportado nito ang Philippine’s Chairmanship sa ASEAN ngayong taon.

Muli rin nitong iginiit ang intensiyon ng Japan para i-promote ang defense cooperation sa ASEAN member states.

Ipinupursige rin ng Japanese government ang “deeper defense cooperation” sa Pilipinas sa pamamagitan ng defense equipment transfer.

Kinilala naman ni Usec. David ang naging kontribusyon ng Japan lalo na sa capability upgrade ng Philippines defense forces lalo na sa pagpayag nito na rentahan ang kanilang TC-90 aircraft na gagamitin para sa maritime surveillance.

Nakatakda namang ideliver ang unang dalawang aircraft sa buwan ng Marso sa
susunod na buwan.

Ibinuyag din ni David na interesado din ang Japan na magkaroon ng joint military training exercises sa Pilipinas kung kaya’t kailangang plantsahin na ang status ng visiting forces agreement sa nasabing bansa.