-- Advertisements --
Hindi na madedepensahan pa ni Angelique Kerber ang kanyang titulo sa women’s singles ng nagpapatuloy na Wimbledon Cup.
Ito’y matapos na biguin ito ni Lauren Davis, 2-6, 6-2, 6-1, sa secound round ng torneyo.
Ito na ang pinakamaagang pagkalaglag ng 31-year-old German buhat nang matalo rin ito sa kaparehong round noong 2013.
Naduplika na ngayon ni Davis ang kanyang pinakamagandang performance sa Wimbledon matapos na makapasok ito sa third round.
Sunod na makakatunggali ni Davis si Spanish 30th seed Carla Suarez Navarro para sa puwesto sa last 16.
“This means everything as it is what I work for,” wika ni Davis.
“I was a bit nervous and I slid and hurt my foot in the first set. I am so happy to win, it is almost surreal,” dagdag nito. (AFP)