-- Advertisements --

Nagdagdag ng panibagong guard ang defending champion na Boston Celtics sa pamamagitan ni Lonnie Walker IV.

Ang 25-anyos na si Walker ay pumirma ng isang taong kontrata sa Boston.

Dati na siyang naglaro sa San Antonio Spurs, Los Angeles Lakers at Brooklyn Nets sa loob ng apat na season niya sa NBA.

Sa unang apat na season niya sa Spurs, nagawa niyang magpasok ng 9.4 points per game, 2.4 rebounds, at 1.6 assists.

Lumipat siya sa Lakers sa ikalimang season at nagawa niyang kumamada ng 11.7 points per game.

Sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na pahayag ang Boston ukol sa pagkuha kay Walker ngunit ilang mga NBA analysts ang positibo sa magiging impact ni Walker sa defending champion, kasama ang mga championship core na sina Jayson Tatum, Jaylen Brown, Kristaps Porziņģis, Jrue Holiday at Derrick White.

Si Walker ay na-draft noong 2018 bilang Number 18 sa Round 1. Huli siyang naglaro sa Brooklyn Nets nitong 2023.