-- Advertisements --

Umatras sa paglalaro sa US Open si defending champion Dominic Thiem.

Sinabi ng 27-anyos na Austrian tennis star na patuloy ang pagpapagaling ng kaniyang wrist injury.

Nakuha nito ang injury sa Mallorca tennis open noong Hunyo.

Dagdag pa nito na naging mahirap sa kaniya ang nasabing desisyon.

Bukod sa US Open ay posibleng sa mga natitirang torneo ngayong 2021 ay hindi na ito makakapaglaro dahil sa injury.

Nagkampeon si Thiem sa US Open noong nakaraang taon ng talunin si Alexander Zverev.

Nauna ng umatras na rin sa torneo si Roger Federer sa US Open dahil sasailalim ito sa operasyon sa tuhod.