-- Advertisements --

Pasok na sa semi-finals ng FIFA World Cup ang defending champion na France.

Ito ay matapos talunin ng ranked number 4 na France ang ranked number 5 na England 2-1 sa laro na ginanap sa Al Bayt Stadium.

Unang nagtala ng goal sa France si Aurelein Tchouamieni sa loob ng 17 minuto para maitala ng France ang 1-0 na kalamangan sa pagtatapos ng first half.

Pagpasok ng second half nakabawi ang England sa pamamagitan ni Harry Kane sa loob ng 54 minuto at naitabla sa 1-1.

Gumanti rin ang France Olivier Giroud sa loob ng 78 minuto hanggang maubos ang 90 minuto at dagdag ng 11 minuto.