-- Advertisements --

Muling pinatunayan ng Golden State Warriors na sila pa rin ang numero uno sa liga matapos pahiyain ang Houston Rockets sa Game 1 ng ikalawang round ng NBA playoffs.

Hawak ng Warriors ang 1-0 lead sa Western Conference matapos ang dikitang laro, 104-100.

Nanguna sa panalo ng Warriors si Kevin Durant na umiskor ng 35 points, siyam na rebounds at siyam na assists.

Sinundan ito ni Stephen Curry na naka-18 puntos, pitong rebounds at apat na assists.

Kumamada naman ng tig-14 puntos sina Draymod Green at Andre Iguodala.

Isasagawa ang second game sa May 1.