Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na hindi ang usapin ng seguridad at depensa ang pangunahing agenda ng kanilang bilateral meeting ni US Pres. Joe Biden.
Sinabi ng Pangulo na may hiwalay na bilateral meeting sila ni Biden bukod sa naka iskedyul na Trilateral Summit.
Sa bilateral meeting nila ni US Pres. Joe Biden kanilang tatalakayin ang pagpapalakas ng alyansa ng dalawang bansa.
Umaasa naman ang Pangulo na maging mabunga at progresibo ang kanilang pag-uusap ni Biden hinggil sa partnerships ng Pilipinas at Amerika sa isyu ng defense and security.
Ayon sa pangulo layunin ng dalawang bansa na panatilihing mapayapa at malaya ang paglalayag sa West Philippine Sea (WPS).
Ang nasabing usapin ay bahagi lamang ng kabuuuang talakayan nila ng US president at hindi naman ang pangunahing sadya ng kanilang bilateral meeting.
Kabilang sa mga isyu na pag-uusapan ay ang himukin ang iba pang mga mamumuhunan sa amerika para maglagak ng negosyo rito sa Pilipinas.
Sinabi pa ng pangulo na umaasa siyang may maiuuwi siyang iba pang magagandang balita sa pagbalik niya sa bansa pagkatapos ng trilateral summit.