Muling pinagtibay ni Defense Secretary Gilberto Teodoro ang commitment ng ahensiya na manatiling matatag sa pangangalaga ng pambansang soberanya at pagtataguyod ng mga makataong pagpapahalaga, na sumasalamin sa kabuuang tema ng katatagan at pagkakaisa.
Binigyang diin ng Kalihim na ang organisasyong pandepensa ay dapat “hindi payagan ang Pilipinas na sumailalim sa anumang mga baluktot na mga salaysay.
Ginawa ni Teodoro ang pahayag sa isinagawang annual joint New Year’s Call ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginanap nuong Biyernes, January 3,2025 sa Kampo Aguinaldo sa Quezon City.
“Every life is precious, and ‘no one left behind’ is our commitment—not only to our people but also to our international commitments,” pahayag ni Secretary Teodoro.
Pinasalamatan din ni Teodoro ang mga foreign partners ng Pilipinas sa kanilang suporta sa pagpapanatili sa soberenya ng bansa at ang karapatan nito sa ilalim ng international law.