Hindi suportado ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang panawagang revolutionary government na isinusulong ng isang grupo na supporters ni Pang. Rodrigo Duterte.
Kinumpirma ni Lorenzana na may nakita siyang sulat sa kanilang viber group pero hindi ito pinadala ng personal sa kaniya.
Ang grupong Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC) nagtakda ng pulong at inimbitahan ang mga opisyal ng pamahalaan para talakayin ang isinusulong na revolutionary government.
Tahasang sinabi ng kalihim na hindi nila sinusuportahan ito.
Una ng inamin ni Philippine National Police (PNP) chief Police General Archie Gamboa na nakatanggap siya ng imbitasyon para dumalo sa pulong na nakatakda nuong Biyernes.
“We got it thru Viber but not send to us by the alleged authors. We do not support them,” mensahe na ipinadala ni Lorenzana.