Dinepensa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pag procure ng pamahalaan ng Gulfstream aircraft na nagkakahalaga ng P2 billion.
Nilinaw ni Lorenzana na hindi gagawing presidential plane ang bagong procured na G280 aircraft para sa Philippine Air Force (PAF).
sa
Ito ang binigyang linaw ni Lorenzana matapos ang kaliwat kanang batikos mula sa mga netizen.
Ayon kay Lorenzana, hindi nila itinuturing na luxury aircraft ang G280 at binili ito para mapalakas pa ang technological capabilities ng AFP.
Giit ng kalihim matagal nang nakalatag sa AFP Modernization Program na naglalayong palakasin ang kakayahan ng Hukbong Panghimpapawid ng bansa sa mga makabagong kagamitan.
Una na aniyang binigyang linaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya nais bumili ng bagong eroplano para lang sa kaniyang sariling gamit kung hindi ito’y para sa Command and Control ng AFP.
Gayunman, inamin ni Lorenzana na maaari rin naman aniya itong gamitin ng iba pang mga opisyal ng Pamahalaan para sa kanilang mga biyahe sa iba’t ibang panig ng bansa at maging sa Asya basta’t ito’y opisyal na lakad na kakatawan sa bansa sa isang mahalagang pagpupulong.
Maaari rin aniya itong gamitin ng Pangulo bilang bahagi na rin ng seguridad at magbibigay din ito ng kasiguruhan sa panig ng Security Forces sa kanilang pagbabantay sa commander in-chief.
“We prefer that he (President) use it for his safety and protection. This will give us the confidence and assurance of his security as the plane will be manned and maintained by PAF personnel, ”