Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na ang kooperasyon ng bawat isa ang susi para labanan ang nakamamatay na virus ang COVID-19.
Dagdag pa ng kalihim, mahalaga din ang high-level inter agency coordination ngayong nahaharap sa krisis ang bansa dahil sa Coronavirus.
Si Lorenzana ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang Chairperson ng National Action Plan para tutukan ang mga hakbang kontra COVID 19.
Sinabi ng Kalihim magagawa ang ganitong koordinasyon sa patuloy na pakikipagtulungan ng mga Government Agencies, Local Government Units (LGUs), non-government organizations, at mga civil society organizations.
Nanawagan din ang kalihim ng buong suporta ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).
Aniya patuloy na pangunahan ng AFP at PNP ang mahigpit na pagpapatupad ng enhanced communiy quarantine, tiyakin na hindi nahihinto ang delivery ng mga supply ng mga pagkain at non food supplies sa mga komunidad na apektado ng quarantine.