Humirit si Defense Secretary Gilberto Teodor Jr. sa mga mambabatas na bigyan sila ng pondo para sa hazard at overtime pay para sa kanilang mga civilian employees.
Partikular na tinukoy ni Teodoro ang mga civilian employees na nagtatrabaho sa Office of the Civil Defense, NDRRMC at maging sa Government Arsenal dahil nalalagay din sa alanganin ang kanilang buhay sa pag perform nila ng kanilang trabaho.
Aniya, hindi biro kasi na magtrabaho at rumisponde sa panahon ng kalamidad gaya ng bagyo at iba pang mga sakuna.
Ginawa ni Teodoro ang hiling sa isinagawang budget deliberation ng kanilang proposed 2024 budget para sa fiscal year 2024 na nasa mahigit P229-billion.
Sinabi ng Kalihim mahalaga na mabigyan ng pondo para sa overtime at hazard pay dahil deserve naman ng mga nasabing civilian employees.
Binigyang-diin ng Kalihim ang kahalagahan na magtayo ng trauma hospital sa Government arsenal ng sa gayon sakaling magkaroon ng mga insidente ay agad makakatugon.
Hiling din ni Sec. Teodoro na magkaroon ng special provision para maibenta nila ang scrap na ginamit sa arsenal ng sa gayon mabawasan ang panganib sa lugar.
Sa ngayon kasi hindi nila ito mai-dispose dahil hahabulin sila ng Commission on Audit (COA).