-- Advertisements --
DND Sec Delfin Lorenzana
DND Sec. Delfin Lorenzana/ FB post

Ikinatuwa ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang naging pahayag ni Senate President Tito Sotto na bibigyan nila ng prayoridad para maisabatas na ang Anti-Terrorism Law na siyang magbibigay ngipin sa kampanya laban sa terorismo.

Ayon kay Lorenzana, siya ay natutuwa na pinakinggan ng mga mambabatas ang kanilang panawagan na isabatas na ang nasabing Bill na magpapalawig ang definition ng terrorism at gawan ng amendments sa ilang probisyon sa kasalukuyang Human Security Act.

Sinabi ng kalihim na pabor sila sa iminumungkahi ng mga mambabatas ang 14 days detention sa mga hinihinalaang terorista kumpara sa kasalukuyan tatlong araw sa ilalim ng Human Security Act.

Pero kung ang AFP ang tatanungin nais nila na gawin 30 days ang detention sa isang suspected terrorists.

Samantala, ayon naman kay AFP Spokesperson Marine Brigadier General Edgard Arevalo kung maisasabatas na ang Anti-Terrorism Law, ang sambayanang Pilipino ang mag benepisyo sa nasabing batas at susi rin ito para masugpo ang problema sa terorismo na hindi lang problema ng bansa kundi maging sa buong mundo.