Personal na ininspeksyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang installation ng Spike ER missile system sa Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) ng Philippine Navy.
Itinaon ito ni Lorenzana ng binisita nito ang Naval Sea Systems Command (NASSCOM) sa Sangley Point, Cavite City kung saan nakabase ang mga MPAC.
Binigyang-diin ng kalihim na ang pag-armas sa mga MPAC ay mahalaga para maging matagumpay din ang misyon ng Phil. Navy lalo na sa pagsasagawa ng interdiction, surface warfare, and search and rescue operations, pag-transport ng mga tropa sa pamamagitan at high speed.
“I had the opportunity to inspect the installation of the Spike ER missile system on our Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) units. Arming our MPACs is vital to the success of the Philippine Navy’s mission to conduct interdiction, surface warfare, and search and rescue operations, as well as transportation of troops at high speed,” pahayag ni Sec. Lorenzana.
Matagumpay namang sinubok ng Philippine Navy noong nakaraang taon ang kanilang Spike ER Missile na inilunsad mula sa isa sa mga Multi-Purpose Attack Crafts (MPAC) ng 3rd Boat Attack Division.
Pinakawalan ang missile at natumbok nito ang kaniyang target mula sa apat na kilometrong distansiya.
Ang Spike ER Missile ay ang kauna-unahang missile na binili ng hukbo.
Nasa walong units ng fast attack interdiction craft missile naman ang bagong na-procure ng Phil. Navy.
Ang unang dalawang units ay nakatakdang i-deliver sa huling quarter ng taong 2022.
Ang FAIC-M project, ay nagkakahalaga ng P10 billion.
Ang mga bagong biling FAIC-M ay siyang mag-complement sa kasalukuyang 12 MPACs ng hukbo.
Ayon sa Phil.Navy ang FAIC-M project ay ini-award sa Israel Shipyards Ltd. and Rafael Advanced Defense Systems of Israel sa ilalim ng government-to-government procurement scheme.