Ipinatitigil na ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang ginagawang renovation gusali ng Department of National Defense (DND) sa loob ng Kampo Aguinaldo.
Ito’y matapos maglabas ng red flag notice ang Commission on Audit (COA) hinggil sa overpriced na air- conditioned comfort rooms.
Ayon kay Lorenzana, iginagalang nila ang naging obserbasyon ng COA hinggil sa nasabing proyekto kaya’t minabuti niyang ipatigil na ito upang isailalim sa review.
Sinabi ng kalihim, bilang institusyon mandato ng COA na bubusisiin kung nagagastos nga ba ng mabuti ang pondo ng bayan at kung nagagamit ba ito para pagsilbihan ang mga Pilipino at hindi ang iilang tao lamang.
Paglilinaw pa ng kalihim, na kahit aprubado na ng kongreso ang pondo, hindi aniya ibig sabihin nito na wala nang karapatan ang COA na mang-usisa at pumuna kung nagagastos ba ng tama o hindi ang pondo.
Sa report ng Commission on Audit (COA) nagkaroon ng unnecessarily spending ng P553,000 para air-conditioned comfort rooms ang DND.
Sa Annual Audit Report (AAR), sinabi ng mga state auditors na ang gastos sa renovation, remodelling ng mga comfort rooms ng DND at labag sa procurement law.